Advertise Your Site



                              [enter a keyword]
 

 

   

 

ARTICLE SEARCH

Google
 

Web tatak
 

For Other News, Gossips and Features (see archive)

 
 
 
 
 
Buy Now!!!
Pinoy Ako/ Lose Control & Other Hits
 
 
Buy Now!!!
Platinum Folk Rock and Country Music
 
 
Buy Now!!!
Power of Two
(The Best of Duets)
 
 
Buy Now!!!
Spotlight Vol. 2: Songs Made Popular By Martin, Gary & Ogie
 
 
Other Sites
 
 
 

Shaina Magdayao


ATAWA at nawindang ang Taray sa lakas ng bagyong ibinuga ng alalay ng isang napakaganda  at napaka-amo ng mukhang bagets na itatago natin sa pangalang Shaina Magdayao.
 
"Hindi po siya (Shaina) nagbabasa ng mga write-ups niya. Hindi po talaga siya nagbabasa  ng mga diyaryo!"
 
Eh, di hindi pala dapat isulat/kasulat-sulat ang alaga mo. Hindi pala niya naa-appreciate kung na-pupuri siya o pinupuna ng mga reporters.
 
It was her turn para mawindang.
 
Sinusulat natin ang pangyayaring ito, not because kailangan nating mapansin, beso-besohin, yakap-yakapin ng mga artista kapag nakikita natin sila o nakakasalubong.

We don't care less kung hindi man nila matandaan ang ating mga pangalan ( di ba Butch/Leo?).  
 
Hindi nila obligasyon ito, lalo't laban sa kanilang kalooban. Simpleng bati at pisil sa balikat ay sapat na.

Nanghihinayang lang ang Taray sa napakagandang PR ni Mommy Magdayao kung sisirain lang ng isang alalay. I remember Mrs. Magdayao nang maubusan ako ng  sigarilyo sa Cow Palace (in Sanfo , Calif ). Nang malaman niya ito, she went out of her  way to offer me her cigarette (lalot' pareho kami ng brand, Capri blue). Tatatlong stick  na nga lang, pero ibinigay pa rin niya sa akin. Hinding-hindi ko makaka-limutan ang  gesture niyang iyon.
 
Kahit si Vina (Morales), champion din ang PR. Tuwing mang-i-imbita para sa  concerts niya, here and abroad, tuwang-tuwa siya sa presence ng movie press. She really makes them feel appreciated. Kaya nga, well loved ang nakatatandang kapatid na ito ni Shaina. That's also the reason why Vina has always received good press releases.
 
Nanghihinayang din ang Taray sa pagtatanggol ni Rayver Cruz sa kanyang
leading lady tuwing may ganitong usap tungkol sa dalagita.
 
In fairness to Rayver, marunong siyang mag-text ng TY kapag may nababasa siyang magagandang write-ups tungkol sa kanya. Mula kasi sa pamilya Cruz ang  binatilyo at isang malaking bentahe sa kanya ang pagiging simpatiko, palangiti, sincere higit sa lahat guwapo (star material talaga).
 
Nag-aalala  ang inyong lingkod na kalawang ang sisira sa bakal. Shaina has all the  makings of a a big star. Huwag namang alalay pa ang sisira sa kanya.

* * *

HUWAG ding kasisiguro si Rayver na hindi siya maapektuhan ng mga pinagsasabi ng alalay.
 
Kuwento nito: "Alam mo yang si Rayver, noon pa sana ay ipapareha na  kay Shaina. Kaya lang, maliit siya. Mas matangkad  sa kanya si Shaina noon, kaya, bit role lang binigay sa kanya. Isinama lang siya (Rayver) sa Spirits teleserye para pahinugin.  Hayun tumangkad na. Ngayon, puwede na siya kay Shaina."
 
Ang masasabi ng Taray: "Kung hindi dahil kay Rayver wala pa sanang matinong  leading man si Shaina." Idagdag pa nating, kung wala si Rayver, walang babagay kay  Shaina among those na sinubukang ma-ging leading man niya. Sa-yang ang chemistry na napapansin ng mga tagahanga nila, kung may kalawang sa kanilang tabi. Tama na  ang kahambugang ito puwede ba?
 
Natitiyak ng inyong lingkod na buong pakumbabang palalagpasin ni Rayver ang  ugaling ito ng alalay. He has learned to love Shaina at handa si-yang patunayan na sincere
ang kanyang nararamdaman para sa dalagita.
 
On Shaina's part, I pity her. Baka hindi niya alam ang pinagsasabi ng kanyang alalay, eh, siya ang maaapektuhan nito.

- -

 

 Site Services: Customer Service  |  Company Policy  |  Shipping Info Business Opportunity  | How to Order  |  Contact Us
 For questions or assistance, call 1-800-828-2577 (West Coast) or 1-866-828-2577 (East Coast)
 © 2001 Tatak Pilipino. All Rights Reserved 2005