Advertise Your Site



                              [enter a keyword]
 

 

   

 

ARTICLE SEARCH

Google
 

Web tatak
 

For Other News, Gossips and Features (see archive)

 
 
 
 
 
Buy Now!!!
Ultraelectromagneticjam: The Music of Eraserheads
 
 
Buy Now!!!
The Way Of Love
(Ciara Sotto)
 
 
Buy Now!!!
Songs Rediscovered (W/ AVCD) (Jed Madela)
 
 
Buy Now!!!
Fall In Love Again (The Stages of Love)
 
 
Other Sites
 
 
 

Mel Tiangco


IYAK na matutunaw sa kahihiyan ang mga kagaya nina Sam Milby at Troy Montero kung mapakikinggan nila ang rendition ng Lettermen ng mga classic Tagalog songs.
 
Sa napanood naming concert ng nasabing world-renowned artists, talaga namang mapapanganga kayo sa husay nila.
 
Mixed ang crowd, though majority ay mga nanay at tatay, plus mga lolo't lola. Walang dull moment sa nasabing show at kahit iisa na lang sa original members ang natira kasama ng dalawang bago (well, 22 years lang naman silang miyembro), very original ang sound and blending nila.
 
Early '60s pa lang, sikat na ang mga kanta ng naturang grupo, kaya nakagugulat na 2006 na'y super relate pa rin ang mga mahihilig sa musika, including us na nag-akalang dekada '70s lang sumikat ang grupo.
 
Kaya nga nakapag-conclude kaming 'original talent' really never fades.' Alin, kung sa mga biglang sikat lamang na Fil-Am o katulad ng kunwari ay pinagkakaguluhan ngayon dahil may talent kuno, naku, kumain muna kayo ng maraming kaban ng bigas para umabot ng kalahating dekada sa industriya.
 
Gusto nga naming bigyan ng kopya ng Lettermen CD si Sam Milby, na tila baga sa loob lang ng PBB house naging masigasig mag-aral ng Tagalog.
 
Nakahihiya talaga!

* * *

Hindi naman pamilyar sa amin ang ka-date ni Mel Tiangco sa naturang concert sa Araneta Coliseum noong Sabado.
 
Medyo late na nga silang dumating, pero dahil kilalang celebrity at isa sa mga sikat na tv personalities si Mel, natural lang na bigyan siya ng atensyon, lalo pa nga't may kasama siyang 'date.'
 
Mukhang big boss at kagalang-galang ang kasama niyang mama.
 
Magka-holding hands sila nang pumasok sa coliseum and, for sure, sobra rin silang nag-enjoy sa show.
 
Nagmistula nga namang travel back to the yesteryears ang mood ng Lettermen concert sa Big Dome.    
 
Sa rami ng naringgan naming 'nanumbalik ang tamis ng nakaraan,' sigurado kaming marami rin ang nag-celebrate ng maagang Valentine's day.

* * *

Speaking of Valentine's, may early treat sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Rico J. Puno at Ai-Ai de las Alas sa kanilang fans at supporters.
 
Nang makapanayam namin si Regine kamakailan, super excited nitong tsinika na bago ang konsepto ng show nila.
 
Forever After ang title ng mala-musical presentation at fantasy concert, dahil bukod daw sa pinaghandaang fabulous costumes and set, ay naghanap daw talaga sila ng tamang mga kantang babagay sa daloy ng kuwento ng show.
 
Sa simpleng plot na ito iikot ang palabas: Si Regine ay isang diwatang nasa fantasy land. Maiinlab siya sa isang dating taga-fantasia land (Ogie) na ginawang tao sa pamamagitan ng sumpa ng isang bruha (Ai-Ai).
 
Kunsintidor na hari naman ang papel ni Rico J, na siyang mag-uugnay sa dalawa at may special participation daw si Allan K. bilang narrator.
 
Nakae-excite nga ang tema ng naturang concert na ididirehe ni Rowell Santiago , sa panulat ni Ricky Lee (na first time ring mag-write for a concert) at musical director naman si Raul Mitra.

- -

 

 Site Services: Customer Service  |  Company Policy  |  Shipping Info Business Opportunity  | How to Order  |  Contact Us
 For questions or assistance, call 1-800-828-2577 (West Coast) or 1-866-828-2577 (East Coast)
 © 2001 Tatak Pilipino. All Rights Reserved 2005